Hindi biro ang pag-aasawa. Kailangan pinag-iisipan nang mabuti ang desisyon.
Ang mensaheng ito ay para sa mga babae. Pero di ibig sabihin hahanap tayo ng labandero (2nd sentence).
Pinapaintindi lang na kung magpapakasal tayo, dapat piliin ang matino at responsableng tao. Yung marunong sa buhay. Hindi advisable yung mga immature at flirt. Yung mga walang magawa sa buhay.
Isa itong paalala na nagsasabing hindi laro ang pag-aasawa. Kailangan husband-material. Yung magiging mabuting haligi ng tahanan. Hindi yung tipong pang-crush lang.
Isa rin itong advice na nagsasabing dapat munang pag-isipan, kilalanin at estimahin ang pagkatao ng lalake bago sabihing gusto itong pakasalan. Mahalaga ang pagkakaroon ng standard, criteria, o simpleng checklist para malaman kung pasok sa budget ng future.
Yun kasi ang nakasalalay, ang hinaharap. Yun ang dapat isaalang-alang kapag magdedesisyon tungkol sa kasal at sa taong pakakasalan.
Hindi naman ito applicable sa mga babae lang. Pati mga lalake may mapupulot din na aral dito.